GAWANG ARALIN NI . Brother. Abdul Aziz Serna
AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM
BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM
ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN
WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN
WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU
SHAHADATAIN ( ANG PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA)
UNANG ARALIN SA ISLAM
Ang pagpapahayag po ng SHAHADATAIN ay binubuo po ng dalawang bahagi. Una po ang pagsasabi po ng "ASH-HADU AN LAA ILAHA ILLALLAH" at ang pangalawa ay ang pagsasbi po ng "ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN RASOOLULLAH". Ito po ang batayan ng Relihiyon Islam.
Matapos pong bigkasin at ipahayag po na alam na ang buong kahulugan ng SHAHADATAIN at ganap na pong pagtibayin ang paniniwalang ito sa dalawa pong bahagi ikaw o ang isang tao po ganap ng isang MUSLIM kahit pa po ito ay hindi binigkas sa karamihan ng mga tao. Sa madaling sabi po ang susi sa pagpasok sa relihiyong Islam ay ang SHAHADATAIN sapagkat wala pong sino man ang makakapasok sa relihiyong Islam ang hindi magsasabi ng SHAHADATAIN.
ANG KAHULUGAN NG UNANG BAHAGI:
"LA ILAHA ILLALLAH"=Ang kapasyahan po ng paniniwala na walan po ibang Diyos na dapat po nating sambahin maliban sa Allahu Subhana Wa Ta'alaa, sapagkat Sya po ang tagapaglikha ng lahat dito sa mundo. Hindi po Sya ipinapanganak at hindi rin po sya nanganganak at hindi rin po Sya nagkaanak at wala po Syang asawa. Wala po Syang katulad sa Kanyang PANGALAN, KATANGIAN, at KAGANAPAN. Wala pong sinuman maliban sa kanya ang makalilikha po o magtataglay po ng kapangyariahan na makapagbigay po ng kapakinabangan. o makapanakit o ang nakababatid po ng mga hindi nakikita. Samakatuwid po ang panalangin, pagpapataripana o anu man pong uri ng pagsamba ay kinakailangan po na tanging nauukol lang po sa Subha Wa Ta'alaa lamang at wala na pong iba pa.
ANG KAHULUGAN NG PANGALAWANG BAHAGI:
"MUHAMMAD RASOOLULLAH"= Ang kapasyahan naman po ng paniniwala na si Muhammad po na ank ni Abdullah na nagmula po sa lahi ng mga Arabo sa tribo po ng QURAISH ay isinugo po ng Allahu Subhan Wa Ta'alaa na may KAPAHAYAGAN, KAUTUSAN, at PANUNUTUNAN para po sa buong sangkatauhan. Sya po ang kahuli-hulihang sa lahat ng mga Sugo at Propeta ng Allahu Subhana Wa Ta'alaa. Ito po ay kailangan nating paniwalaan, sundin at mahalin siya. Ang ating pong isinasagawang pagsamba ay hindi po katangap-tangagap hanggat hindi natin ito isinasagawa ayon po sa turo ng Propeta (SAW).
ANG PANINIWALA SA "LA ILAHA ILLALLAH" :
Ang paniniwala po sa "LA ILAHA ILLALLAH" ay wala pong ibang Diyos kundi si ALLAH. ang pangunahing saligan po ng Relihiyong Islam at ito po ay may pinakadakilang kalagayan sa Relihiyong islam sapagkat ito po ang unang haligi ng Islam. Ang pinakamataas po na sangay sa sangay ng pananmpalataya at ang pagtanggap po ng Allahu Subhan Wa Ta'alaa sa mga gawa po ng tao ay nakabatay po pagpapahayag nito at sa pagkilos o pagawa naman po na ayon sa mga hinihiling.
Tungkol naman po sa totoong kahulugan nito na hindi dapat lumihis dito ang pag-uanawa ay WALANG IBANG SINASAMBA SA TOTOO KUNDI SI ALLAH ; o walang Tagapagligtas o tagapaglikha kundi si ALLAH; o walang walang may kakayahang lumalang kundi si ALLAH o walang umiiral kundi si ALLAH at ito po ay may dalawang saligan.
1. ANG PAGKAKAILA= Ito po ay napapaloob sa pagsasabi ng "LA ILAHA" (walang Diyos) sapagkat ikinakaila po nito ang pagkaDiyos sa lahat ng bagay.
2. ANG PAGKILALA= Ito naman po ay napapaloob sa pagsasabi natin ng "ILLALLAH" (kundi si Allah) sapagkat kinikilala po nito na ang pagkaDiyos ukol lamang kay ALLAH wala po Syang katambal at wala rin po Syang katulad.
Samakatuwid po walang sasambahin kundi ang Allahu Subhan Wa Ta'alaa lamang at hindi po ipanapahintulot magbaling sa anumang pong uri ng pagsamba sa iba bukod pa kay ALLAH. Kaya po ang sinumang masabi ng "LA ILAHA ILLALLAH" ng nalalaman po niya ang kahulugan nito at kumikilos po ayon sa hinihiling nito gaya po ng pagtanggi sa SHIRK at pagkilala sa kaisahan ng po ng ALLAH ano po naman yung SHIRK sila po yung mga nagtatambal sa allaah bilang iba pang Diyos. Kalakip po ng matatag na paniniwala sa isinasaad nito at pagkilos po ayon po dito sya ay MUSLIM. Ang sino man pong kumikilos ayon sa hiling ng "LA ILAHA ILLALLAH" ngunit wala pong paniniwala rito sya po ay isang MUNAFIQ ano naman po itong MUNAFIQ sila po yung nagkukunwari o nagpapanggap na sumasampalataya sa Islam. Ang sino man pong kumikilos ng salungat po sa hinihiling nito gaya po ng paggawa ng SHIRK sya ay isa pong MUSHRIK na KAFIR kahit ano pa man pong sabihin nya ito po sa pamamagitan ng kanyang bibig ano naman po yung MUSHRIK at KAFIR sila po ay mga hindi Muslim o isang tumatanging sumampalataya sa Islam
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento