SINALIKSIK NI : Brother. Abdul Azziz Serna
AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM
BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM
ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN
WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN
WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU
(ANG PAGDATING NG MGA KASITLA SA PILIPINAS )
Alam na po ba natin ang tunay na kasaysayan ng Relihiyong ISLAM sa PILIPINAS. Kung hindi pa po halina po at ating tuklasin. Ito pong aking pagpapahayag ay hindi lang po ito kinthang isip lang. Sapagkat kung inyo po talagang tutuklasin ayon na rin sa kasaysayan ng PILIPINAS ito po nakatala hanggang sa ngayon. Ang mga makasaysayang LUGAR at mga PANGALAN ay hindi po binago mula nuon hangang ngayon. At sa totoo lang po ay itinuturo ito sa eskwela, akin pong naalala sa history subject ko nuon sa kadahilanang hindi pa ko ganap na MUSLIM nuon kaya hindi ko po sya naintindihan ngayon ko na lang naunawaan.
Bago pa po dumating ang mga kastila sa PILIPINAS ang iba't ibang aral tungkol po sa pananampalataya, ay likas na po sa ating mga NINUNO ang sumamba sa Diyos. Bakamat pong ito ay hindi ayon sa katotohanan, sapagkat sila po ay mabibilang sa tinatawag na "ANIMIST" o yaong mga sumasamba po lahat halos ng mga bagay na nilikha maliban po sa Dakilang Limikha. Ang sinasamba po ng ating mga NINUNO nuon kagay ng BUNDOK, ARAW, BUWAN, BITUIN, PUNO, KIDLAT, KULOG APOY, AT HANGIN mas kilala sa tawag na AMIHAN, at may ANITO pa nga diba at marami pang iba. Ngunit po ng dumating ang aral ng ISLAM ang Relihiyong galing mismo sa ALLAH (SAT), ay nagkaroon po ng ganap na pagbabago sa kanilang mg buhay at Relihiyon.
Naitatag po nila ang isang pamayanang MUSLIM, at tumagal din ito ng 144 years. Nang dumating po ang mga dayuhang KASTILA sa bansang PILIPINAS. Sinakop po nila ito at pinilit po nilang palitan ang Relihiyong ISLAM sa pamamagitan po ng dulo po ng kanilang mga espada.
Ang Relihiyong ISLAM ay una pong iihayag sa PILIPINAS noong 1380 ng isang Arabo na si SHARIF MAKHDUM, itinayo nya po ang unang MASJEED ( bahay dasalan ng mga Muslim ) sa PILIPINAS sa TUBIG INDANGAN, SUMUNUL, TAWI TAWI. Si MAKHDUM po ay namatay sa ISLA ng SIBUTU at doon na rin sya inilibing. At
nag pangalan ng Pilipinas nuon ay BANGSANG MORO iyan po ang tunay na pangalan ng PILIPINAS nuon ang tunay na ugat ng lahing pilipino ay hindi PILIPINO kundi isang MORO ang ating mga NINUNO at ng sakupin tayo ng mga KASTILA pinalitan nila ito at ginawang PILIPINAS na hango naman sa kanilang hari ng ESPANYA na si PHILLIPPE.
Noon pong 1390, si RAJAH BAGINDA ay dumating sa bansang PILIPINAS at itinuloy nya po ang naiwang gawain ni SHARIF MAKHDUM. Ganoon po din naman dumating din si ABU BAKR sa JOLO noong 1450 at di po naglaon sya ay ikinasal po sa anak ni RAJAH BAGINDA na si PRINSESA PARAMISULI. Si ABU BAKR po ang nagsimula ng SULTANATE sa SULU at sya po ang kanyang asawa ang syang kauna-unahang pong SULTAN at SULTANA.
Matapos pong maitatag ang Relihiyong ISLAM sa SULU, ang mga MUSLIM po ay kumilos patungong MINDANAO sa pamumuuno po ni SHARIF KABUNGSUWAN. Sila po ay dumaong sa MAGUINDANAO ( ngayon po ay Cotobato ) Noon pong 1475, at di po naglaon sya ay ikinasal naman po kay PRINSESA TUNINA. Sila po ang unang SULTAN at SULTANA sa MAGUINDANAO.
Nang Sumunod pong mga taon, maraming MUSLIM na mga DATU mula BORNEO ang dumating po sa PILIPINAS nang mabalitaan po nila ang mabuting pagtanggap ng mga Pilipino. Ang sampung (10) DATU po na galing ng BORNEO ay dumaong po sa PANAY. Ang mga DATU pong ito ay sila DATU PUTI, DATU SUMAKWEL, DATU BANGKAYA, DATU DUMANGSOL, DATU PAIBURONG, DATU PADUHINOG, DATU UBAY, DATU DUMANGSIL, DATU DUMALOGDOG, at DATU BALESULA ( ngayon po ay ang lugar ng Valenzuela ).
Si DATU PUTI po ang pinuno ng pangkat na ito sapagkat si DATU PUTI po ay bihasa sa paglalakbay-dagat. Sila po ay dumaong sa SAN JUAQUIN ILOILO ( nuoon araw ay kilala po sa tawag na Siwaragan ).
Si DATU PUTI po at ang kanyang mga kasama ay binili nila ang mababang bahagi ng ILOILO kay MARIKUDO, ang pinuno ng mga ITAS ( pygmies ) at naitatag po nilang ganap ang kolonya o komunidad ng ISLAM ng mga taga BORNEO doon. Nang ganap ng naitatag sa PANAY, Si DATU PUTI, DATU BALENSULA at DATU DUMANGSIL ay naglayag sila patungong Norte at sila po ay dumaong sa BATANGAS.
Itinatag po ni DATU BALENSULA at DATU DUMANGSIL ang kanilang komunidad doon sa BATANGAS suabalit po si DATU PUTI ay nagbalik sa BORNEO at dumaan po sila sa MINDORO at PALAWAN. Nang sumapit na siya sa BORNEO ay ibinalita ni DATU PUTI ang kanilang karanasan. Bunga po nito higit na maraming pang mga taga BORNEO ang naakit na magpunta dito sa PILIPINAS at ang iba po ay mas pinili na lang pong tumira sa PILIPINAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento